Sisimulan na ng mga barangay sa Taguig ang paghahanap ng kanilang magiging kandidata para sa Mutya ng Taguig 2026.
Ang mga interesadong lumahok sa patimpalak ay kailangang magtungo sa opisina ng kanilang barangay para sa unang screening at pag-eendorso.
Kabilang sa mga critera ang sumusunod:
1. Kasalukuyang residente ng Taguig
2. May kahit isang magulang na Pilipino
3. High school graduate, nasa kolehiyo, o college graduate
4. Babae nang ipanganak
5. Labingwalong taong gulang pataas (o 18 na ang edad pagdating ng mismong patimpalak
6. Maaaring sumali ang kasal na o single mothers
Kailangang isumite sa barangay ang basic information, pruweba ng paninirahan sa Taguig at pinakahuling larawan.
Ang aplikasyon ay mula Marso 23, 2026 hanggang Abril 6, 2026.
"Step onto this platform to become a muse of change, empower and inspire women, and share your vision with the community," ang pahayag ng Mutya ng Taguig social media page.
Noong 2025, ang nagwagi bilang Mutya ng Taguig ay si Krisha Enaje ng Barangay Hagonoy.
1st Runner-Up naman si Aleckxis Maryannza Chuidian ng Barangay Fort Bonifacio, 2nd Runner-Up si Estephanie Gaebrielle Ladignon ng Barangay Katuparan, 3rd Runner-Up si Yumiq Jam Melad ng Barangay Rizal, at 4th Runner-Up si Alyanna Ysabel Virtudazo ng Barangay Tanyag.
(Photos from Mutya ng Taguig social media page)
Mga Interesadong Maging Kandidata ng Kanilang Barangay sa Mutya ng Taguig 2026, Maaari nang Mag-apply Simula Marso 23 Hanggang Abril 6, 2026 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
