Inaanyayahan ang mga kabataang Taguigeño na lumahok sa Harnessing Youth's Participation and Energy (HYPE) Taguig Youth Volunteer Program.

News Image #1


Ang mga kabataang lalahok sa volunteer program na ito ay inaasahang magpapaunlad pa ang kanilang kasanayan habang nakakatulong sa ibang tao.

"Explore volunteering opportunitues based on your interests and availability. Make new friends who share the same passion and advocacies. And develop your leadership and civic responsibility along the way," ang pahayag-paanyaya ng Taguig Youth Development Office.

Maaaring lumahok sa pamamagitan ng pag-sign up sa link na ito:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfxdCCFQtyYW-SNUufY_EIftq7RiPvzJk06rQXust6D4F7weg/viewform

News Image #2


Samantala, ang Taguig City ay mayroong Hiraya Youth Development Center na maaaring puntahan ng mga kabataan para makapagbasa o makapaglaro.

Bukas ito sa lahat ng mga kabataang Taguigeño na nagnanais ng ligtas ay masayang lugar para sila ay makapagtipon-tipon, matuto at mag-praktis para sa kanilang mga asignatura sa eskwelahan.

News Image #3


Ito ay matatagpuan sa Laguna Lake Highway, Barangay New Lower Bicutan at bukas ng Lunes hanggang Biyernes, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

News Image #4


(Mga larawan ng Taguig Youth Development Office)