Ang mga labing nakalibing sa Taguig City Public Cemetery (TCPC) o kilala rin bilang Serenity Cemetery sa Barangay San Miguel, Taguig, mula taong 2019 pababa, ay huhukayin na sa Hulyo 2 o 3, 2026.
(Screenshot mula sa Google Map)
Ito ay makaraang ipost ng iba't ibang barangay sa Taguig City ang panawagan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na ang mass exhumation ay sisimulan 15 araw mula nang ipost ang panawagan noong Hunyo 18, 2026.
Nananawagan ang CSWDO sa mga kamag-anakan o kinatawan ng mga nakalibing na makipag-ugnayan kay Maricar C. Gabin, Supervising Administrative Officer/Pollution Control Officer ng CSWDO ng Taguig bago sumapit ang araw ng mass exhumation.
(Ibinahagi sa Taguig.com)
Ito ay upang maberipika ang records ng yumao at maisaayos ang pagkuha, paglipat o pag-dispose ng labi ng mga yumaong nakalibing sa naturang public cemetery.
Maaring tumawag sa mga sumusunod na numero: (02) 7795-8825 o 09568143794, o mag-email sa [email protected] para sa koordinasyon.
Niliwanag din na iba ang Hagonoy Catholic Cemetery sa TCPC.
Ayon sa nakapanayam ng Taguig.com, karaniwan ay pumapasok sa Hagonoy Cemetery ang mga nagtutungo sa TCPC. Nasa dulo aniya ang TCPC.
Mga Labi sa Taguig City Public Cemetery na Nakalibing ng Taong 2019 Pababa, Huhukayin Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
