Pinalakas pa ng Taguig City Government ang pagpapatupad ng ordinansa laban sa paninigarilyo.

News Image #1


Bilang pag-obserba sa National No-Smoking Month, nagtanggal ng mga nakadikit na patalastas tungkol sa sigarilyo ang Taguig Smoke-Free Task Force kasama ang mga opisyal ng Barangay Bagumbayan nitong Lunes, Hunyo 15, 2026.

News Image #2


Pinalitan nila ito ng paalala na bawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Pininturahan din nila ang mga pader na tinanggalan nila ng mga patalastas ng sigarilyo alinsunod sa City Ordinance No. 15, Series of 2017, o ang Comprehensive Smoke-Free Ordinance of Taguig.

Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na layunin ng Pamahalaang Lungsod na matigil ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at maprotektahan ang mga residente sa mga patalastas na nakakahikayat ng paninigarilyo.

(Mga larawan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig)