Nagsagawa ng search and rescue operation ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa Pulo 3, Barangay Hagonoy, Taguig City kaninang umaga, Hulyo 22, 2025.
Binaha ang Barangay Hagonoy sa gitna ng malakas na ulan na dala ng habagat o southwest monsoon.
"Sa kabila ng banta ng kalamidad, ay patuloy naman ang pagsasagawa ng search and rescue operation ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Search and Rescue (SAR) Team, kasama ang Barangay emergency responders team upang maihatid sa evacuation area, sakay ng rescue lifeboat, ang mga apektadong mga pamilya at mga indibidwal na na-stranded sa pag-baha sa kanilang lugar," ang pahayag ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig.
Kinukumbinsi ng mga rescuers ang mga apektadong residente na magsilikas na at magtungo sa pinakamalapit na evacuation centers para sa kanilang kaligtasan.
Kung kinakailangan ng agarang tulong, narito ang mga numerong maaaring tawagan:
* Command Center: (02) 8789-3200
* Taguig Rescue: 0919-070-3112
* Taguig PNP: (02) 8642-3582 / 0998-598-7932
* Taguig BFP: (02) 8837-0740 / (02) 8837-4496 / 0906-211-0919
(Mga larawan ng Taguig PIO)
Mga Residente ng Pulo 3, Barangay Hagonoy, Iniligtas ng Taguig City Government | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
