Nahuli sa may supermarket sa Barangay Western Bicutan, Taguig City ang isang lalaking nasa listahan ng Most Wanted ng Taguig City Police dahil sa kaso ng ipinagbabawal na gamot.
(Larawan ng Taguig City Police)
Nasentensiyahan na ng korte si alyas Ronnie, 31 taong gulang, residente ng Purok 5, PNR Site, Barangay Western Bicutan, Taguig City, subalit hindi nito agad na napagsilbihan ang hatol ng korte.
Sa bisa ng isang warrant of arrest na isinilbi ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng Southern Police District, katulong ang District Special Operations Unit (DSOU), naaresto si Ronnie noong isang Hulyo 30, 2025 ng alas 9:15 ng gabi sa harap ng isang supermarket sa DBP Avenue, Barangay Western Bicutan.
Si Ronnie ay may kasong paglabag ss Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act na may kaugnayan sa Service of Sentence sa ilalim ng Criminal Case No. 12198-D, na ipinalabas naman ni Honorable Bernard Pineda Bernal, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 70 ng Taguig City, at ibinaba noon pang Setyembre 16, 2024.
Sa kasalukuyan ay nakadetine sa Taguig City Police Headquarters Custodial Facility si Ronnie.
Most Wanted sa Taguig Dahil sa Droga, Naaresto sa Tapat ng Supermarket sa Barangay Western Bicutan | Taguig Balita
Language: Switch to English
