Nagtago sa Cagayan Valley subalit natunton pa rin ng Taguig City Police ang isang 31 taong gulang na lalaking wanted sa kasong panghahalay at paglabag sa Republic Act Republic Act (RA) 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
(Larawan ng Taguig City Police)
Naaresto ng Taguig City Police Station Warrant and Subpoena Section si alyas John sa Barangay Camasi, Peñablanca, Cagayan Valley noong Mayo 29, 2026 ng ala-una ng hapon.
Si John ay isang CCTV installer na ang huling nakatalang address ay sa Barangay West Rembo, Taguig City.
May Warrant of Arrest ito sa kasong rape at sa 3 kaso ng Lasciviousness Conduct na may piyansang ₱200,000 na ipinalabas ni Honorable Loralie Cruz Datahan, Presiding Judge ng Taguig Regional Trial Court Branch 69.
Ang warrants ay ipinalabas noong Mayo 16, 2026 at agad na inaksyunan ng Taguig City Police.
May nagbigay ng tip sa pulisya kung nasaan si John. Iniuwi rin ito agad sa Taguig at ngayon ay nasa kustodiya ng Taguig City Police Station.
Mula sa Taguig Tungong Cagayan Valley: Rape Suspect, Naaresto | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
