Isang pulis ng Philippine National Police (PNP) Region IV-A at isang matandang drayber ang nagkainitan kung saan nakita sa video na hinahatak ng pulis palabas ng kanyang sasakyan ang drayber makaraang magkasagian sa Barangay Bagumbayan, Taguig City kahapon ng tanghali, Hunyo 2, 2026.
(Screenshot mula sa video na pinost ng Road Safety Advocates of the Philippines)
Sa pahayag na inilabas ng Taguig City Police Station, sinabi nitong alam nila ang kumakalat na video ng sagian ng sasakyan na lumikha ng tensyon sa kanto ng MLQ Avenue at Mauling Creek, Barangay Bagumbayan, Taguig City.
Batay sa mga nakuhang pahayag sa mga may kinalaman sa insidente at sa CCTV footage, napag-alaman na nagkasagian ang sasakyan ng pulis at matandang lalaki.
Umasiste diumano ang pulis at ang mga staff ng Barangay Bagumbayan sa pag-aayos ng trapiko, at hiningi ang driver's license ng matanda bilang standard procedure.
Tinangka diumano ng matandang lalaki na umalis sa lugar kaya't napilitan diumano ang pulis na harangin ito at palabasin sa sasakyan.
"Notwithstanding these circumstances, this Office will refer the matter to the Police Regional Office 4A for appropriate administrative evaluation and action regarding the officer's conduct during the incident," ang paniniyak ng Taguig City Police.
Nagkasundo na ang pulis at drayber ng sasakyan kaugnay ng damage sa mga behikulo at hindi na umano magsasampa ng reklamo ang dalawa sa isa't isa.
Tiniyak din ng Taguig City Police Station na sila ay propesyonal at handang panagutin ang sinumang nagkakasala, ar pantay sa pagtugon sa lahat ng insidente.
Nagpakilalang Pulis at Matandang Lalaking Drayber, Nagkasagian sa Barangay Bagumbayan, Nag-Viral ang Video | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
