Ipinagdiriwang ang National Flag Days sa bansa simula Mayo 28 hanggang Hunyo 12, 2026.
Sinisimulan ito tuwing Mayo 28 kada taon, bilang paggunita sa anibersaryo ng Battle of Alapan (Imus, Cavite) noong 1898 kung saan nagwagi ang mga Philippine Revolutionary Army, sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo, laban sa mga Kastilang sundalo.
Makalipas ang panalo sa labanan, ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na iniladlad ni Aguinaldo ang bandila ng Pilipinas sa Teatro Caviteño sa Cavite Nuevo o Cavite City, sa harap ng mga Pilipinong rebolusyonaryo, mahigit 270 nadakip na mga Kastilang sundalo at isang grupo ng mga Amerikanong mandaragat ng US Asiatic Squadron.
Bilang selebrasyon ng National Flag Days, inilagay na ng Tourism and Trade Office ng Taguig City ang mga bandila ng Pilipinas sa iba't ibang lugar sa lungsod, partikular sa Taguig City Hall.
Ang bandila ay simbolo ng patriotismo, pagkakaisa at respeto sa kasaysayan at kalayaan ng bansa.
"Through this initiative, we aim to remind every Taguigeño of the courage and sacrifices of our Filipino heroes who fought for the country's independence," ayon aa Taguig Tourism and Trade Office.
(Mga larawan ng Taguig Tourism and Trade Office)
National Flag Days, Ipinagdiriwang sa Bansa Mula Mayo 28 Hanggang Hunyo 12 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
