Dalawandaang mga atletang nangangarap na maging propesyonal na baseball players ang lumahok sa libreng Anthony Volpe Baseball ProCamp 2026 sa Felino Marcelino Sr. Baseball Stadium sa Barangay Ususan, Taguig City noong Disyembre 30, 2025.

News Image #1


Personal na sinanay at binigyan ng tips ng sikat na New York Yankees Player na si Anthony Volpe ang mga kabataang dumalo sa binuong baseball camp ng Taguig City sa tulong ng kanyang mga kamag-anakan sa Pilipinas.

News Image #2


Ang 24 na taong gulang na Yankees player ay may dugong Pilipino dahil sa kanyang ina.

Nandito sa bansa si Volpe para dumalo sa isang kasal. Ang dapat sana ay personal na biyahe lamang ay naging oportunidad para sa pagsasagawa ng libreng baeeball camp para sa mga kabataang Pilipinong nangangarap na maging baseball players.

"My ninangs helped a lot, but it's definitely special to do something like this. We're already talking about doing this as much as we can," ang pahayag ni Volpe.

"Programs like this show how important it is to build community support in developing character, create opportunities, and inspire young Taguigeños to dream bigger, both in athletics and in life," ang pahayag naman ni Taguig City Mayor Lani Cayetano sa kanyang social media page.

News Image #3


Mananatili sa bansa si Volpe hanggang Enero 7, 2026 at magbabalik sa New York City upang maghanda sa Major League Baseball season na magsisimula sa Marso.


(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Taguig City Mayor Lani Cayetano)