Isandaang libong pisong cash, plake at honorary membership seat sa Local School Board ang matatanggap ng tatanghaling Most Outstanding Public School Teacher ng Taguig para sa 2026.
(Infographic ng Taguig City Government)
Ang dalawang runners-up ay makakatanggap ng cash prize na ₱25,000 at Plaque of Recognition.
Pito ang pipiliin bilang Top Nominees, at isa rito ang tatanghaling Most Outstanding at 2 runners-up. Ang iba pa ay makakatanggap din ng Plaque of Appreciation.
Kabilang sa mga gurong maaaring ma-nominate ay mga full-time teachers sa mga pampublikong paaralan sa Taguig City, elementarya o high school, na nakapagturo sa public school sa lungsod ng limang taon o mahigit.
Ang isang full-time teacher ay dapat na may anim na oras na araw-araw na pagtuturo.
Kailangan ding ang performance rating nito ay 𝗩𝗲𝗿𝘆 𝗦𝗮𝘁𝗶𝘀𝗳𝗮𝗰𝘁𝗼𝗿𝘆 o higit pa sa nakaraang limang taon at maganda ang pag-uugali o moral character.
Ang maaari namang mag-nomina ay mga kapwa nito guro o kasamahan sa trabaho, School Head o Supervisor, magulang, dating estudyante, community leader, organisasyon o cause-oriented group.
Gayunman, ang magnonomina ay dapat na hindi kamag-anak ng ino-nomina (hanggang sa ikatlong "degree of consanguinity" o pagiging magkamag-anak.
Isang komite ng Department of Education (DepEd) ang mag-aaral sa mga nominado at pipiliin ang top seven na nominadong guro. May representante rin ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig.
Ang resulta at iba pang impormasyon ay ipapaalam sa mapipiling nominado sa pamamagitan ng e-mail.
Ang pitong mapipili ay sasailalim sa panel interview at posible ring ipakita ang kanilang pagtuturo.
Ang top three nominees ay sasailalim sa pinal na interview ng mga hurado sa pangunguna ni Taguig City Mayor Lani Cayetano.
Hanggang Enero 30, 2026 ang pagsusumite ng nominasyon.
Maaaring isumite ang nominasyon para sa Most Outstanding Public School Teacher ng Taguig sa link na ito:
https://bit.ly/TaguigMostOutstandingPublicSchoolTeacher
Nominasyon Para sa Most Outstanding Public School Teacher ng Taguig, Bukas Na | Taguig Balita
Language: Switch to English
