Sa bilangguan magpa-Pasko ang isang lalaking nahuli ng mga tauhan bg Taguig City Police sa isang buy-bust operation sa Barangay New Lower Bicutan noong Disyembre 21, 2023.
₱156,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakuha kay alyas Mike, 48 taong gulang, makaraang bentahan nya ito ang mga nagpanggap na buyer sa MLQ Street, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, noong Huwebes ng alas 9:00 ng gabi.
Nakumpiska sa suspek ng Taguig Station Drug Enforcement Unit ang pitong maliit na plastik na may kristal na bagay sa loob at tumitimbang ng 23 gramo.
Nabawi rin nila ang P500 ginamit sa pambili ng ipinagbabawal na gamot, isang pitaka at 1 Android phone.
Nahaharap si alyas Mike sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, ng Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinabi ng Taguig City Police na hindi sila titigil sa kanilang operasyon lalo na at kailangang maging ligtas ang mga komunidad sa selebrasyon ng Kapaskuhan.
(Photo by Taguig City Police)
P156K Halaga ng Shabu, Nakumpiska sa Buy-Bust sa Barangay New Lower Bicutan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
