Magmumulta ng P2,500 at mai-impound pa ang sasakyan ng mga mahuhuling sobrang lakas ang tambutso sa Taguig City.

News Image #1


Sa post ng Traffic Management Office (TMO) ng Taguig, sinabi nitong ang mga tambutsong napakaingay o higit pa sa 99 decibels ang lakas kapag nirebolusyon ng 2000 - 2500 rpm ang makina, ang maaaring magmulta at ma-impound ang sasakyan.

News Image #2


Matutubos lamang ang sasakyan kung magkakabit o papalitan ang muffler na papasok sa panuntunan para sa decibel o noise level.

Ang decibel ay sukatan kung gaano kalakas o kahina ang tunog ng isang bagay.

News Image #3


Ang rekomendasyon ng mga ekspekto ay tunog na hihigit sa 85 decibels dahil ang lampas dito ay delikado sa pandinig.

May noise meter instrument o decibel meter na ginagamit para masukat ang ingay ng isang bagay.
Kung may lalabag, maaaring ipagbigay-alam sa TMO sa Tumawag sa TMO Landline: (02) 8640-7006
O magpadala ng mensahe sa: https://web.facebook.com/tmo.taguig

(Mga infographics ng TMO)