Cashless na ang pagbabayad sa LRT-2 makaraang ilunsad ang sistema noong Hulyo 13, 2026.
Ang mga may Visa at Mastercard debit at credit cards, NFC-enabled na mobile at wearable devices at GCash QR codes ay maaari nang gamitin ito para sa pagbabayad sa alinmang LRT-2 station.
Una rito ay ipinatupad na rin ang digital payments sa MRT-3 noong nakaraang taon.
Ang RCBC ay mayroon ding PISO Fare Cashback Promo mula Hulyo 13 hanggang Hulyo 31 para sa RCBC debit at credit cardholders at MySSS RCBC Diskartech debit cardholders.
Kapag ginamit ang kanilang cards sa pagbabayad sa LRT-2 turnstiles, regular fare muna ang mababawas pagka-tap, at ang sobra sa ₱1 ay ibabalik sa kanilang account sa loob ng 3 banking days.
(Mga larawan ng Department of Transportation)
Pagbabayad sa LRT-2, Cashless Na | Taguig Balita
Language: Switch to English
