Patuloy na nagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Barangay Tuktukan, Taguig City dahil sa isinasagawang rehabilitasyon ng Bagong Calzada Street.

News Image #1

(Infographic ng Taguig City Government)

Gayunman, may naka-puwestong traffic enforcers sa lugar upang matulungang maisaayos ang daloy ng trapiko kahit na may ginagawa sa Bagong Calzada.

Ang proyekto ay bahagi ng flood mitigation program ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Gumagawa ngayon ng bagong drainage system, inaayos ang kalsada tulad ng pag-aaspalto, at iba pang pamamaraan upang maiwasan ang pagbabaha sa lugar.

Nagsimula ang proyekto noong Marso 25, 2025 at inaasahang matatapos sa Marso 13, 2026.

Dahil djto, may isinagawang traffic scheme para sa mga motorista.


Isinara muna ang Bagong Calzada Road mula sa Cayetano Boulevard hanggang F. Manalo Street.

One-way naman sa natitirang bukas na bahagi ng Bagong Calzada mula F. Manalo St. papuntang Cayetano Blvd.


Ang mga manggagaling na sasakyan sa Sta. Ana Church patungong Vista Mall o Cayetano Blvd. ay maaaring dumaan sa rutang: F. Manalo St. → Gen. Luna St. → Cayetano Blvd.

Narito naman ang salayan wt babaan para sa mga pampubliko at pribadong sasakyan:

• Point 1: Tuktukan Bridge
• Point 2: Puregold Tuktukan

Kung may nais na ibigay na komento o suhestyon ang mga motoristang apektado ng naturang proyekto, ipadala lamang ito sa:
https://bit.ly/TrafficScheme-BagongCalzadaFeedbackForm