Dalawang taon ding na-delay ang konstruksyon ng Metro Manila Subway Ortigas Station nitong Setyembre 3, 2025, ay sinimulan na ang pagtatayo nito sa pamamagitan ng paggiba sa Metrowalk Ortigas Center sa Pasig City.

News Image #1

(Screenshot mula sa video ng DOTr)

Pinangunahan nina Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez at Pasig City Mayor Vico Sotto ang pag-iinspeksyon sa pagtatayuan ng Ortigas Station.

Sinabi ni Lopez na inaasahang matatapps ang Ortigas Station sa loob ng 3 taon at magiging ganap na operational sa susunod pang dalawang taon makalipas ang pagkagawa nito.

News Image #2

(Larawan mula sa social media page ni Mayor Vico Sotto)

Nagpasalamat din si Mayor Sotto kay dating Transportation Secretary Vince Dizon at Acting Secretary Lopez dahil masisimulan na ang proyekto.

"Due to several legal issues, the project was delayed. Now, with the writ of possession and all necessary permits, there should be no further roadblocks. Credit to former DOTR Sec. [now-DPWH] Vince Dizon because it was under his leadership that these issues were settled. Pati yung isang issue na concern ng LGU na ilan taon pinagusapan, siya ang nakapag-ayos," ayon kay Mayor Sotto.

Samantala, mayroon ding 2 istasyon ang Metro Manila Subway na itatayo sa Taguig City, partikular sa 11th Avenue at 38 Street sa Bonifacio Global City at sa Kalayaan Avenue.

Labingpitong istasyon ang inaasahang itatayo para sa Metro Manila Subway na tatakbo mula Valenzuela City hanggang Parañaque City.