Ipinanukala ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pagbabawal sa pagparada sa mga kalye sa Metro Manila mula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 10:00 ng gabi upang mabawasan ang bigat ng trapiko.
Ang ipinanukala naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes ay ipagbawal ang pagparada sa mga gilid ng kalye tuwing rush hour lamang sa umaga at hapon.
Nais naman ng mga Metro Manila Mayors na maglabas sila ng kanya-kanyang ordinansa.
Ang mga suhestiyong ito ay iniharap sa pagpupulong ng mga Metro Manila Mayors, DILG, MMDA at Philippine National Police ngayong Agosto 1, 2025.
Pagparada ng mga Sasakyan sa mga Kalye ng Metro Manila, Nais ng DILG na Ipagbawal ng 5:00 AM hanggang 10:00 PM; Gusto Naman ng Metro Manila Mayors na Maglabas ng Kani-Kanilang Ordinansa | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
