Ang mga Pilipino ang pinakamalamang na hindi nagre-report sa mga otoridad ng panloloko o pang-i-i-scam online kahit na sila ay biktima ng cybercrime.

Ito ang lumabas sa Asia Scam Report 2023 ng Gogolook, batay sa survey na isinagawa sa 11 bansa sa Asya.

News Image #1


Dalawampu't apat na porsiyento lamang ng mga Pilipinong biktima ng scam ang nagreport sa mga otoridad, ayon sa ulat na inilabas sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC)-AiSP-WiSAP Cybersecurity Forum sa Bonifacio Global City, Taguig City noong Abril 10, 2024.

Ang Vietnam ay hindi rin madalas nagre-report ng pang-i-i-scam na nangyayari sa kanila sa tala na 26% at ang Korea sa 31.6%.

Ang mataas na bilang ng nagre-report ng scam online ay ang China sa 55% at Singapore sa 51.5%.

Sinabi ni Scam Watch Pilipinas Lead Convenor Jocel de Guzman na dapat mag-report ang publiko ng mga nambibiktima o nang-i-i-scam online sa mga otoridad o tumawag sa 1326 Inter-Agency Response Center hotline.

(Larawan mula sa CICC)