Pagpapalakas ng edukasyon sa mga magulang at suporta sa kanilang pamilya at pagpapahusay pa ng kasanayan ng mga magulang ang naging sentro ng pagsasanay ng may 50 daycare workers ng Taguig.
Ang pinalawak na Parenting Effectiveness Services (PES) Program sa child development centers (CDCs) ang tinalakay sa komprehensibong pagsasanay ng mga naturang daycare workers sa Taguig Lakeshore Activity Center sa Barangay Lower Bicutan, Taguig, noong Hulyo 6 hanggang 10, 2026.
Sinanay ang mga daycare workers kung paanong epektibong maisasagawa ang parent education sessions sa kanilang mga CDCs sa pamamagitan ng praktikal na kaalaman at facilitation skills.
Kabilang sa mga sakop ng 13 modules ang: tungkulin at responsibilidad ng mga magulang, pamamaraan ng pagiging magulang, communication skills o pakikipag-usap sa anak, paano manatiling ligtas ang mga bata sa panagon ng sakuna o emergencies, pag-unawa sa special needs at pagsuporta sa mga batang may isyung developmental, kalusugan at nutrisyon ng mga bata at iba pa.
Libre ang daycare sa Taguig City.
(Mga larawan ng Taguig City Government)
Pagsasanay ng 50 Daycare Workers ng Taguig, Para sa Ikauunlad ng Pakikipag-ugnayan sa mga Magulang | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
