Umusok ang meter base sa Block 2 Sitio Una Barangay Fort Bonifacio, Taguig kaninang umaga, Hunyo 20, 2026.

News Image #1


Agad na nagresponde ang Bureau of Fire Protection-Taguig at ang rescue ng Barangay Fort Bonifacio upang maagapan ang pagsisimula ng sunog, ayon kay Kapitan Sonny Vertulfo.

"Pinuntahan ko po ang area at tiningnan ang sanhi at dumating din ang may-ari ng linya at napag alaman natin na me aircon sila. Kaya nakiusap ako na palitan na ng automatic na circuit breaker yung papasok sa linya nila. Kadalasan ang dahilan ng pag usok at pagbigay ng mga meter base ay ang current overload lalo at minsan madami na nakakabit na mga appliances pero mababa ang amphere ng mga fuse/breaker papasok sa mga bahay," ang pahayag ni Vertulfo kaugnay ng pangyayari.

News Image #2


Sinabi rin ni Vertulfo na kailangang magtulungan upang laging mabantayan ang kalagayan ng mga meter base, lalo na kung nagdadagdag ng electric appliances na ginagamit sa bahay.

"Minsan nadadagdagan ang mga appliances o kaya nagkakabit ng mga aircon pero yung daloy ng kuryente sa ating mga bahay ay mababa kaya me overload," dagdag ni Vertulfo.

Kung mayroong fire emergency, maaaring makipag-ugnayan ng direkta sa BFP Taguig sa (02) 8837-4496 o 0906-2110919.

(Mga larawan mula sa FB ni Kapitan Sonny Vertulfo)