Pansamantalang huminto ang Philippine Postal Corporation sa pagtanggap ng mga mail at parcels patungo sa Estados Unidos.

News Image #1

(Larawan ng Philippine Postal Corporation)

Ito ay bunga ng pagpapataw na ng buwis, o suspensyon ng duty-free de minimis exemption at bagong mga customs requirements ng Estados Unidos.

Sa ngayon, bukod sa Pilipinas, 25 bansa na ang nagdesisyong suspendihin ang package deliveries sa Estados Unidos dahil sa mga bagong buwis.

Ang lahat ng maliliit na packages na pumapasok sa Estados Unidos ay may buwis na simula Agosto 29, 2025.

Kabilang sa mga bansang hindi na tatanggap ang postal service ng malilit na packages patungong US ay ang France, Britain, Germany, Italy, India, Australia at Japan.

Sinabi ng United Nations Universal Postal Union na ang suspensyon ng pagtanggap ng mga maliliit ba paketeng patungo sa US ay mananatili hanggang walang kalinawan mula sa mga otoridad sa US sa implementasyon ng kanilang bagong anunsyo.

Sa bagong kautusan ng US sa postal packages, kakailanganing maningil na ng buwis ang mga postal services sa iba't ibang bansa para sa kanila kung may magpapadala ng mga pakete sa US.