Nailigtas ng isang patrolman ang komunidad mula sa masasamang loob subalit ibinuwis niya ang kanyang buhay.

News Image #1

(Larawan mula sa FB Page: Buhay Trainee)

Sa isang pahayag na ipinalabas ng Philippine National Police - National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) mula sa kanilang headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, sinabi nilang labis nilang ikinalulungkot ang pagkamatay ni Patrolman Curtney Harwin Baggay makaraang rumesponde sa holdapan sa Barangay Commonwealth, Quezon City kahapon ng madaling araw, Hunyo 30, 2025.

"Pat Baggay is a hero to all of us, a very brave and committed cop who did not hesitate to give his life in the name of the service. His courage in the face of danger reflects the highest ideals of
selfless, and committed to public safety. Without hesitation to protect others, a true reflection of
what it means to serve with heart and courage," ang pahayag ng NCRPO.

News Image #2

(Larawan ng NCRPO)

Nakipagbarilan si Baggay sa suspek makaraang mauna itong bumaril at tinamaan ang Patrolman.

Si Baggay at ang mga kasamahang pulis ay nagresponde sa kanto ng Katuparan at Katipunan Streets makaraang makarinig ng putok ng baril.

Nang makarating sa lugar, nagpanggap ang suspek na saksi lang sa pangyayari at itinuro kung saan tumakbo ang nagpaputok ng baril.

Pinaputukan ng suspek sa kanang dibdib si Baggay at gumanti naman ng putok ang biktima. Ang ka-buddy ni Baggay ang bumaril din sa suspek na naging dahilan ng kamatayan nito.

Napag-alaman na ang suspek ay nangholdap sa isang 44 taong gulang na lalaki na binaril nito sa kaliwang balikat. Ang isa pang nasa lugar ay tinamaan ng ligaw na bala. Nagpapagaling na ang dalawa sa pagamutan.

Si Baggay ay isang dating guro sa Kalingan at nagtapos sa St. Louis University sa Tuguegarao, Cagayan.

Inatasan ni NCRPO Regional Director Police Major General Anthony Aberin ang lahat ng unit commanders na palakasin pa ang pagpapatrulya at dagdagan ang mga nag-iikot lalo na kapag kritikal na oras.

"His sacrifice must compel us to serve with greater vigilance, dedication, and purpose. We offer our deepest respect and condolences to the family of Patrolman Baggay. We will extend all the necessary assistance to the bereaved family in full recognition of his duty and sacrifice," ang pahayag ng NCRPO.