Katorse pesos na ang minimum na pamasahe sa tradisyonal na jeepney at P17.00 naman sa modern jeepney para sa unang apat na kilometro.
(Larawan ng Taguig.com)
Ito ay makaraang aprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtataas ng pamasahe sa mga naturang pampublikong sasakyan, ayon kay DOTr Secretary Giovanni Lopez.
Sinabi ni Lopez na inaprubahan niya ang rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itaas ng P1.00 ang base fare ng mga tradisyonal na jeepney at P2.00 naman sa modern jeepney.
Ito ay bukod pa sa tulong pinansiyal na ibibigay sa mga jeepney drivers na ₱5,000 na ipapamahagi naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), upang makatulong sa bigat ng pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa giyera sa Gitnang Silangan.
Sa pinakahuling pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo, sinabi ng Department of Energy (DOE) na nasa P20.40 hanggang P23.90 kada litro ang itataas sa diesel sa buong linggong ito, nasa P12.90 hanggang P16.90 naman ang itinaas ng gasoline at ang kerosene naman ay nasa P6.90 to P8.90.
Pamasahe sa Traditional Jeepney, Itinaas sa ₱14; Modern Jeepney, Itinaas sa ₱17.00 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
