Sisimulan na ngayong linggong ito ang pamimigay ng pamahalaan ng ₱2,000 tulong sa mga sektor na kanilang na-target sa pamamagitan ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa ilalim ng UPLIFT o Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport program ng Pamahalaang Marcos, hinati sa tatlong grupo ang bibigyan ng pinansiyal na tulong sa harap ng lumala na namang krisis sa langis dahil pagsiklab muli ng giyera sa Gitnang Silangan.

News Image #1

(Larawan ng Uplift PH)

Nasa Group 1 ang 4Ps at Walang Gutom beneficiaries na mahigit 3.5 milyon at kinilala sa pamamagitan ng kasalukuyang listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makakatanggap ng isang beses na ₱2,000 pinansiyal na tulong.

Sa Group 2 naman, ang tinaguriang "poor" at "near-poor," may 2.5 milyong kabahayan na napili sa
pamamagitan ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) ng Philippine Statistics Authority.

Sa Group 3 naman nakalagay ang "low-income workers," na nasa 1.5 milyon, kasama ang kanilang pamilya, na natukoy naman sa mha record ng Social Security System (SSS).

Ang mga benepisyaryo ng Group 2 at Group 3 ang mkakatanggap ng ₱2,000 bawat buwan mula Hulyo hanggang Disyembre.

Sinabi ng DSWD na mas pantay ang distribusyon ng ayuda sa pamamagitan ng pagtukoy sa tamang pupuntahan ng tulong.

Ang pagbibigay ng ayuda ay sa pamamagitan ng Land Bank at GCash accounts ng benepisyaryo o maaari ring manual payout na ioorganisa ng mga lokal na pamahalaan at ng DSWD.