Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga senador na magbalik sa pagta-trabaho sa gitna ng "impasse" o deadlock sa Senado, sa pagitan ng grupo ng mayorya na pinamumunuan ni Senate President Allan Peter Cayetano at minorya na kinabibilangan nina dating Senate President Vicente Sotto III.
(Larawan mula sa Facebook Page ni Senadora Risa Hontiveros)
Ang kabiguan ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso na makapagsagawa ng sesyon ay nakakaabala sa pagpapasa ng mga batas at pagtugon sa mga pangangailangan ng bansa, ayon sa Malakanyang.
Sa isang live video ni Cayetano sa social media, ipinaliwanag nito na ginamit lamang ng mayorya bilang "parliamentary tool" ang hindi pagdalo kahapon upang maprotektahan ang katotohanan.
(Larawan mula sa FB ni Senate Pres. Alan Peter Cayetano)
Ayon naman kay Senador Rodante Marcoleta na kasama ng Senate President sa live video: "huwag po kayong kukurap, baka ito na po ang pinakahuling pagkakataon na ang katotohanan, ang katwiran ay mananaig," na may patungkol sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa ghost flood control projects,
(Larawan mula sa FB ni Senate Pres. Alan Peter Cayetano)
Kahapon ay naglabas naman ng pahayag ang grupo ng minorya na SB 11 o Solid Bloc 11 na kumokondena sa hindi pagdalo ng mayorya sa mga sesyon sa Senado makaraang ilabas ang warrant of arrest ng Sandiganbayan laban kay Senador Jinggoy Estrada dahil sa isyu ng ghost flood control projects.
Itinulak din ng minorya ang panawagang pababain sa posisyon si Cayetano. Umuugong ang balitang kapag nakuha ng kasalukuyang minorya ang numero upang maging mayorya, ang ilalagay na bagong Senate President ay si Senador Sherwin Gatchalian.
Una rito ay nag-walkout naman ang SB 11 nang tangkain ng mayorya na baguhin ang panuntunan sa pagdalo sa mga sesyon sa Senado kung saan isinusulong ng mayorya ang remote attendance upang makadalo pa rin ang mga hindi makapunta ng pisikal sa Senate hall.
Pangulong Marcos, Nanawagan sa mga Senador na Magbalik-Trabaho | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
