Inilabas na ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ang schedule para sa tatlong buwan na Pet Caravan na pangungunahan ng Office of the City Veterinarian (OCV) ng Taguig.

Kabilang sa mga pupuntahan ng Pet Caravan ay ang mga sumusunod na barangay sa Taguig:

𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟭 - 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹
𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟴 - 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗗𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗿𝗶 & 𝗧𝗮𝗻𝘆𝗮𝗴
𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟭𝟱 - 𝗖𝗮𝗹𝘇𝗮𝗱𝗮-𝗧𝗶𝗽𝗮𝘀 & 𝗦𝗮𝗻𝘁𝗮 𝗔𝗻𝗮
𝗝𝘂𝗹𝘆 𝟮𝟮 - 𝗪𝗮𝘄𝗮, 𝗕𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴, & 𝗧𝘂𝗸𝘁𝘂𝗸𝗮𝗻

𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟱 - 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗿𝗹𝗶𝗸𝗮 & 𝗦𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗮𝗹
𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟭𝟮 - 𝗡𝗮𝗽𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻
𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟭𝟵 - 𝗟𝗶𝗴𝗶𝗱-𝗧𝗶𝗽𝗮𝘀 & 𝗣𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗼𝗻-𝗧𝗶𝗽𝗮𝘀
𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟲 - 𝗦𝗮𝗻 𝗠𝗶𝗴𝘂𝗲𝗹

𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮 - 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗿𝗮𝗹 𝗕𝗶𝗰𝘂𝘁𝗮𝗻
𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟵 - 𝗛𝗮𝗴𝗼𝗻𝗼𝘆
𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟲 - 𝗪𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿𝗻 𝗕𝗶𝗰𝘂𝘁𝗮𝗻
𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟮𝟯 - 𝗟𝗼𝘄𝗲𝗿 𝗕𝗶𝗰𝘂𝘁𝗮𝗻
𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟯𝟬 - 𝐔𝐬𝐮𝐬𝐚𝐧

Ipinaalala ng OCV na kailangang sa sariling barangay lamang pupunta para sa pagpapa-check-up, pagpapasaksak ng bakuna at iba pa para sa kanilang alagang aso at pusa.

Kabilang sa mga libreng serbisyo ay ang sumusunod:
• Pet Deworming
• Anti-rabies vaccination
• Pet Consultation
• Pet Microchipping
• Vitamin shots and medicines (after pet consultation)
• Kapon

Kailangan lamang na may balidong ID na may address sa Taguig City ang magdadala ng kanilang mga alagang aso at pusa sa Pet Caravan. Dalhin na rin ang updated anti-rabies vaccination card ng alaga kung mayroon nito.

Ang mga alaga ay kailangang nakatali o nakakulong, at nakabusal kung agresibo, kapag dadalhin sa Pet Caravan. Naka-diaper din dapat bago pumasok sa venue. Magdala na rin ng sariling panlinis para sa dumi ng alaga.

Para sa magpapa-deworming, kailangang nasa edad na linggo pataas ang alaga at malusog ang alagang aso at pusa.

Ang mga magpapabakuna naman ng anti-rabies ay kailangang nasa 3 buwan pataas at malusog. Hindi puwedeng magpabakuna kung buntis, nagpapasuso o "in heat." Kailangan ding walang nakagat sa nakalipas na 14 na araw.

Ang mga ikakapong pusa at aso ay kailangang edad 6 na buwan pataas. Dapat may edad na 6 na buwan pataas at may timbang na 3 kilos pataas. Ang pusa ay dapat 3 kilo pataas at ang aso ay 4 na kilo pataas. Kailangan ding hindi nagkasakit sa nakalipas na 2 linggo. Dapat ding hindi kumain 6-8 oras bago ikapon

(Mga larawan ng OCV)