Ipinakita ng Philippine Army ang kanilang kahandaan at kahusayan sa pagtugon sa emergency tulad ng lindol sa isinagawang 2024 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa kanilang kampo sa Fort Bonifacio. Taguig City noong Marso 25, 2024.

News Image #1


Ang tropa ng Army Reserve Command ay ipinakita kung paano magsagawa ng high angle rope rescue sa earthquake drill na isinagawa sa headquarters ng Philippine Army.

News Image #2


Ipinakita rin ng tropa ng Army Reserve Command kung paano gawin ang medical rescue assistance kapag may nasaktan sakaling magka-lindol.

News Image #3


Ang mga sundalo ng Philippine Army at ang sibilyan na tauhan nito ay nagsagawa ng "Duck, Cover, and Hold" procedure sa kanilang mga pinagta-trabahuhan kasunod ng pagtunog ng sirena na nag-signal ng pagsisimula ng drill.

Ang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill ay isinasagawa sa bawat ika-apat na bahagi ng taon upang mapahusay pa ang kahandaan ng mga nasa pamahalaan at iba pang organisasyon sa panahon ng emergency tulad ng lindol.

Layunin din nitong maturuan at maipaalala sa publiko ang mga gagawin sakaling magkaroon ng lindol.

Tiniyak ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy M. Galido ang tuloy-tuloy na suporta ng hanay ng Army sa lahat ng mga programa at inisyatibo ng pambansang pamahalaan at kahandaang tumulong sa publiko sa anumang sakuna.

(Photos by Pvt Divino S Lozano, OACPA)