Patuloy umanong ipinaglalaban ng Philippine Navy ang isang lupa sa Fort Bonifacio, Taguig City na pinagtayuan ng golf course.
Ito ay makaraang magdesisyon ang Korte Suprema na ibigay ang pagmamay-ari ng loteng nasa loob ng housing project para sa mga sundalo sa apat na retiradong opisyal ng militar
Inutusan ng korte ang Philippine Navy at Philippine Navy Golf Club Incorporated (PNGCI) na magbayad ng P5, 000 buwanang renta sa mga retiradong opisyal ng militar hanggang tuluyang mailipat sa mga tunay na may-ari ang lote.
Sa isang sulat na may petsang Setyembre 2023 sa AFP Officers Village Association, Inc. (AFPOVAI), tiniyak ng Philippine Navy ang kanilang paghahanap ng lahat ng legal na paraan upang mapanatili nila ang golf course.
"The Command will exhaust all available legal remedies to maintain the PN Golf Course as morale and welfare facility under the Department of National Defense pursuant to Circular Nr 7, Series 2020," ang nakasaad sa liham.
Samantala, ang AFPOVAI ay naglagay na ng mga tarpaulins na nananawagan para ibalik na ang golf course ng Philippine Navy sa mga lehitimong may-ari ng lote.
(Photos by Philippine Navy Golf Club Inc)
Philippine Navy Golf Course, May Problema sa Pagmamay-Ari ng Lupa | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
