Inilunsad ang Energy Sector Emergency Operations Center (ESEOC) at ibinigay rin sa Department of Energy ang isang Mobile Energy System (MES) sa Energy Center sa Bonifacio Global City, Taguig City noong Abril 15, 2024.


News Image #1


Sa naturang kaganapan, ipinakita ang mga makabago at pangmatagalang energy management system na makakapagbigay ng solusyon sa problema sa kuryente sa bansa.

Ang ESEOC ay makakatulong sa Department of Energy (DOE) upang maisagawa ang maagap na pagresponde sa panahon ng sakuna.

News Image #2


Makapagbibigay ito ng giya kung paanong ang mga pangunahing partner sa enerhiya ay maiiwasan o mapipigilan ang mga makakapagpaantala sa pagdadala ng mahalagang serbisyo sa elektrisidad sa mga naapektuhang lugar.


Ang MES naman ay nakadisenyo para magkaroon ng maayos na enerhiya ang mga nasa liblib na lugar. Makakatulong din sa panahon ng natural na sakuna at paghadlang sa mga tangkang pangha-hack sa mga power utilities.

"Its portability and flexibility to be tailored-fit to the users' needs create a wide base for use across various sectors, including health facilities, education, telecommunications, financial institutions, and commercial and industrial enterprises, as well as off-grid particularly unserved remote communities," ayon sa DOE.

Pinasimulan ng pamahalaan ng Estados Unidos sa pamamagitan ng USAID noong Hunyo 2021, ang 'Energy Secure Philippines' (ESP) flagship project ay naglalayong magkaroon ng mas maayos, ligtas at matatag na sektor ng enerhiya. Ang limang taong planong ito ay pinopondohan ng PhP1.6 bilyon (US$34 milyon).

News Image #3


Sa naturang paglulunsad, dumalo sina Executive Secretary Lucas Bersamin, DOE Secretary Raphael Lotilla at Ryan Washburn, U.S. Agency for International Development (USAID) Mission Director to the Philippines.

(Mga screenshots mula sa RTVM)