Walong lugar sa bansa ang makakaranas ng matinding init ngayong araw na ito ng Linggo, Abril 14, na aabot sa 43 Degrees Celsius.


News Image #1


Ang Taguig at ang kabuuan naman ng Metro Manila ay makakaranas ng hanggang 39 degrees Celsius ngayong araw na ito.

News Image #2


Sa pinakahuling heat index forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), ang mga sumusunod na lugar ay makakaranas ng mula 42 hanggang 43 degrees Celsius.

Pinakamainit sa Palawan dahil aabot ito ng 43 degrees Celsius:

* Puerto Princesa City, Palawan - 43 degrees Celsius
* Aborlan, Palawan - 43 degrees Celsius

Narito naman ang aabot aa 42 degrees Celsius ang heat index:

* Dagupan City, Pangasinan - 42 degrees Celsius
* Aparri, Cagayan - 42 degrees Celsius
* Tuguegarao, Cagayan - 42 degrees Celsius
* Dumangas, Iloilo - 42 degrees Celsius
* Zamboanga City, Zamboanga del Sur - 42 degrees Celsius
* Cotabato City, Maguindanao - 42 degrees Celsius

Mapanganib ang init na ito at kinakailangang uminom ng maraming tubig, magtungo sa malilim na lugar at iwasang magbabad sa init ang mga mamamayan, bata man o matanda.

Maaaring makaranas ng heat cramps, hear exhaustion at heat stroke sa ganitong mapanganib na init.

(Larawan mula sa Pagasa at Taguig PIO)