Limang taon na walang operasyon ang Philippine National Railways (PNR) sa National Capital Region (NCR) simula sa Marso 28, 2024, Huwebes Santo, upang bigyang daan ang paggawa ng North-South Commuter Railway (NSCR).


(Video ng DOTr)

Ang last trip sa Governor Pascual hanggang Tutuban at Tutuban hanggang Alabang ay sa Marso 27, Miyerkules Santo na. Magpapalabas ang PNR ng mga bus sa ruta ng tren ng Tutuban hanggang Alabang at balikan upang matulungan pa rin sa pagsakay ang mag 30, 000 pasahero ng PNR araw-araw.

Dalawampu't limang units ng bus ang ba-biyahe sa mga susunod na lugar:
Divisoria (Tutuban)
Mayhaligue Street
Abad Santos Avenue
Recto Avenue
Legarda Street
Quirino Avenue
Nagtahan Flyover
Mabini Bridge
Quirino Avenue
Osmeña Highway
Nichols Entry
SLEX
Bicutan Exit
Bicutan Entry
Alabang (Starmall)

Ang mga pabalik naman ay dadaan sa mga lugar na ito:
Alabang (Starmall)
Manila South Road
East Service Road
Alabang (Entry)
SLEX, Bicutan Exit
Bicutan Entry
Nichols Exit
Osmeña Highway
Quirino Avenue
Legarda Street
Recto Avenue
Abad Santos Avenue
Mayhaligue Street
Divisoria (Tutuban)

Nasa art card sa ilalim ang magiging iskedyul at hintuan ng bus para sa mga papaunta sa norte at sa katimugan na malapit sa mga istasyon ng PNR na apektado ng pagsasara.

News Image #1


News Image #2


Sa pagsasara ng operasyon ng PNR sa NCR, mababawasan ng 8 buwan ang panahon ng konstruksyon ng NSCR na mag-uugnay sa norte at katimugang Luzon. Makakatipid din ang pamahalaan sa konstruksyon ng P15.18 bilyon. Ilalagay ang NSCR sa dinadaanang riles ng PNR sa Metro Manila.

Ang PNR ay nagsimulang magsagawa ng operasyon noong Nobyembre 24, 1892 bilang Ferrocarril de Manila-Dagupan noong panahon ng mga Kastila.

Tinawag itong Philippine National Railways noong Hunyo 20, 1964 sa bisa ng Republic Act No. 4156.

(Mga larawan at video mula sa Department of Transportation at Philippine National Railways)