Patuloy na tumatakbo ang mga tren ng Philippine National Railways (PNR) sa kabila ng isinasagawang rehabilitasyon at modernisasyon nito.
Ngayong umaga ng Disyembre 18, narito ang ruta ng biyahe ng PNR (tingnan ang art card para sa detalye).
Nagpapalabas ang PNR ng mga bagong iskedyul sa kanilang FB Page na Philippine National Railways araw araw.
Sa ilalim ng pamumuno ni PNR General Manager Jeremy Regino, naparami ang bilang ng mga tumatakbong tren ng PNR mula sa 7 hanggang 13 noong Agosto 2022, naging 15 na ngayong 2023.
Tumaas din ng 93.66% ang bilang ng mga pasahero o 10.03 milyon ngayong 2023 kumpara sa 5.10 milyon noong isang taon.
Napataas din ang kita ng PNR sa 91.82% mula sa P94 milyon noong isang taon tungo sa P181.70 milyon ngayong taon.
Naibalik naman ang biyahe sa rutang Calamba, Laguna hanggang San Pablo, laguna patungong Lucena, Quezon at sa rutang Naga, Camarines Sur patungong Ligao, Albay.
Sa kasalukuyan ay minomodernisa pa ang PNR sa pamamagitan ng North-South Commuter Rail project at ang binabalak ding South-Long Haul project, ayon kay Department of Transportation Secretary Jaime Bautista.
Sa isinagawang pagdiriwang ng ika-131 anibersaryo ng PNR noong Nobyembre 24, sinabi ni Bautista na naniniwala siyang kayang ibalik ang "golden years" ng PNR kung saan ito ang sikat na transportasyon noong 1960s at 1970s.
"Tayo ay gagawa ng isang railroad network na world-class - maipagmamalaki hindi lamang sa Asya, kundi pati na sa buong mundo. Mga bago, moderno, at mabilis na tren na tatakbo mula Clark hanggang Calamba patuloy hanggang Bicol. Hindi na mauubos ang oras ng ating mga kababayan sa pagbiyahe araw-araw. Magkakaroon na sila ng mas marami oras para sa kanilang pamilya. Mabibigyan na natin ng lunas ang traffic sa Metro Manila," ang pahayag ni Bautista.
"There is no doubt the NSCR and SLH Project will usher in the renaissance of the rail industry in the country. These rail systems will be the primary rail backbones, linking Metro Manila to the regions in northern and southern Luzon," dagdag pa ni Bautista.
Inaasahang libo-libo ang magkakaroon ng trabaho sa konstruksyon at operasyon ng Pambansang Daang Bakal (PNR) at makakatulong ng husto sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
(Photos by Philippine National Railways)
PNR, Nagpapalabas ng Bagong Schedule ng Biyahe ng Tren Araw-Araw; Napataas ang Kita Ngayong Taon sa P181.70 M | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
