Posibleng magpalobo na naman ng inflation ang nagaganap na napakainit na panahon sa Pilipinas bunga ng El Niño phenomenon.

News Image #1

(Larawan mula sa FB: Kadiwa)

Sa pinakahuling pagtataya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang heat index sa Metro Manila ngayong Abril 18, ay nasa pagitan ng 39 hanggang 40 degrees Celsius.

News Image #2

(Larawan mula sa Pagasa)

Pinakamainit naman ngayong araw na ito sa Arborlan, Palawan na aabot sa 45 degrees Celsius.

Sa isang discussion paper ng mga ekonomista ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nakitang kapag ang average na temperatura ng bansa ay tumaas ng 1 degree Celsius, bumabagal ang ekonomiya ng mga 0.37 points.

Lalo pang bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng may 0.47 percentage points kapag may pagsama ng klima na tulad ng El Niño.

Ang pag-aaral, na kauna-unahang sumukat sa pangmatagalang epekto ng matinding temperatura sa ekonomiya ng isang bansa, ay nagsabing ang sobrang init na bunga ng El Niño Southern Oscillation (ENSO) na pangyayari ay nagiging dahilan para tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

"Short-term inflationary effects of temperature shocks on headline, food, and non-food are deeper in magnitude at 0.49 ppt, 0.69 ppt, and 0.49 ppt, respectively, when we incorporated dummy variables for episodes of ENSO events," ayon sa pag-aaral.

Ang Luzon ang pinaka-apektado ng inflation dahil ang karamihan sa lugar dito ay taniman at nandoon din ang mga food processing at machinery production.