May 564 Uniformed Security Personnel mula sa BEST Guards at 512 Public Order and Safety Office (POSO) Guards ang ipinwesto ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa 52 public schools sa Taguig City.
Ito ay upang tulungan ang mga tauhan ng pulisya at iba pang Barangay Security Forces na nakabantay sa mga eskwelahan lalo na sa simula at pagtatapos ng klase.
Bunsod ito ng isinagawang pagpupulong ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pangunguna ni Mayor Mani Cayetano, Department of Education - Taguig and Pateros, Taguig City Police Chief Col. Julius Añonuevo at Liga ng mga Barangay President Marie Marcelino noong Hunyo 25 at 30, 2026.
Layon nitong tiyaking magiging maayos at mapayapa ang sitwasyon sa mga eskwelahan batay na rin sa implementasyon ng DepEd Order No. 006, s. 2026, o ang "Guidelines on Ensuring a Safe and Motivating Learning Environment."
Tinalakay rin ang mas inayos na safety at security protocols upang maging iisa ang pagtugon sa mga emergency, paghadlang sa krimen at ang pagbabantay rin ng komunidad sa mga eskwelahan.
(Photos from Mayor Lani Cayetano's Facebook Page)
Private at POSO Guards Bukod sa Pulis at BSF, Nakapwesto sa 52 Public Schools ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
