Labingapat na mga persons with disabilities (PWDs) ang natanggap sa trabaho on-the-spot sa isinagawang Taguig Job Fair for Persons with Disabilities noong Marso 14, 2024.

News Image #1


Isandaan naman sa mga PWDs na nag-apply ang sasailalim na lamang sa final interview ng iba't ibang kumpanya para maisapinal ang pagtanggap sa kanila sa trabaho.


Ang Job Fair for Persons with Disabilities ay isinagawa kasabay ng selebrasyon ng National Down Syndrome Consciousness Month.

News Image #2


Labindalawang mga employers sa iba't ibang kumpanya ang nakipagtulungan sa Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) at Public Employment Service Office (PESO), para interviewhin ang mga aplikante.


Nagpasalamat naman ang mga aplikante sa nagtulung-tulong upang mabigyan sila ng oportunidad na magka-trabaho.

Ayon sa isang aplikante na taga-Barangay South Signal na si Flordeliza Asedillo, simula pa noong 2017 ay nag-a-apply na siya ng trabaho pero kadalasan ay hindi siya natatanggap dahil sa kanyang kapansanan at kakulangan sa karanasan.

Sinabi naman ng PDAO na ang mga PWDs ay may karapatang mabigyan ng trabaho - sapat at maayos na oportunidad upang umasenso.

Kailangan ding pantay ang kalagayan sa kanilang pinagta-trabahuhan at ang kanilang suweldo, pribilehiyo at mga benepisyo ay katulad sa mga manggagawang walang kapansanan.

(Mga larawan mula sa PDAO - Taguig at Taguig PIO)