Inaasahang magro-rollback ng mula mahigit ₱4.00 hanggang mahigit ₱10.00 kada litro ang presyo ng mga produktong petrolyo sa linggong ito.

News Image #1


Ito ay dahil sa lumalaking pag-asa na magkakaroon na ng maayos na resolusyong pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Sinabi ni Director Rino Abad ng Department of Energy (DOE) na ang presyo ng gasolina ay mag-ro-rollback ng ₱4.76 kada litro simula bukas, Hunyo 2, 2026.

Ang diesel ay mag-ro-rollback ng hanggang ₱9.26 kada litro.

Ang kerosene naman ay mag-ro-rollback ng ₱10.86 kada litro.

Ito ay ipapatupad mula Hunyo 2 hanggang 8, 2026.

Bagaman at mataas pa rin ang presyo ng mga produktong petrolyo sa lokal na pamilihan, sinabi ni Rino na malaking bagay na rin na nahatak na ito pababa mula sa dati ay nasa ₱100 mahigit nang kasagsagan ng giyera sa Gitnang Silangan.

News Image #2


Noong nakaraang linggo, tumaas ang presyo ng diesel ng ₱1.90 kada litro, ₱1.95 kada litro ang gasolina at ₱1.45 naman kada litro ang kerosene.

News Image #3

(Mga larawan ng Taguig.com)