Nagkasunog sa roof deck ng W High Street sa 28th corner 11th Avenue, Bonifacio Global City, Barangay Fort Bonifacio, Taguig City kahapon, Mayo 17, 2026.

News Image #1


Napag-alaman ng mga bumbero na kasalukuyang ginagawa ang roof deck ng W High Street building nang maganap ang sunog.

Alas 2:27 ng hapon nang makumpirmang nasusunog ang roof deck ng naturang high rise building at alas 2:39 ng hapon nang ideklara ang first alarm ni SFO1 Verosil.

News Image #2


Dahil sa maagap na pagresponde ng mga pamatay-sunog, naideklara itong fire out ng alas 4:23 ng hapon ni Fire Senior Inspector Lopez

Kabilang sa nagresponde ang mga bumbero ng Barangay New Lower Bicutan Fire and Rescue Brigade na sina Justin Gatapia at Frederick Romero at ang nagmaneho ng fire truck na si Rosendo Magpantay.

News Image #3


(Mga larawan ng Barangay New Lower Bicutan)