Hindi mamumutol ng kuryente ang Meralco sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kwh pababa, kahit hindi sila makabayad sa paggamit nito mula Mayo hanggang Hulyo 2026.

News Image #1

(Screenshot mula sa Meralco site)

Sinabi ng Meralco sa kanilang advisory na bilang pagtugon sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC), dulot ng krisis sa enerhiya dahil sa tensyon sa Gitnang Silangan, bibigyan ng pahinga sa pagbabayad ang mga customers nito.

Gayunman, babayaran pa rin ang naipong utang na tatlong buwan makaraan ang pagpapahinga ng 3 buwan sa pagbabayad.

Maaari ring makakuha ang mga customers ng installment arrangement kung ipagbibigay-alam sa Meralco.

Otomatiko ang suspensyon ng pamumutol ng kuryente sa loob ng 3 buwan o mula Mayo hanggang Hulyo, 2026, kung hindi makakabayad ang mga kumokonsumo ng 200 kwh pababa.

Gayunman, kung mag-a-apply para sa installment ng maiipong utang na tatlong buwan sa kuryente, kailangang makipag-ugnayan sa Meralco sa pamamagitan ng:
•Email:[email protected]
* Facebook Messenger: Meralco official page
* 24/7 Hotline: (02) 16211
* Any Meralco Business Center
 
"This will not change the total amount of your bill. The suspension of disconnection means that services will not be disconnected even if there are unpaid balances for May, June, and July 2026 service bills.
For the 3-month installment option, the bill amount will be divided into three monthly payments to help make payment more manageable," ang paliwanag ng Meralco.

Ang 3-month installment payment ay para lamang sa magagamit na kuryente sa Mayo, Hunyo at Hulyo 2026.

Tingnan ang monthly kwh consumption sa kaliwang itaas na bahagi ng bill upang malaman kung makakasama sa programang ito.

Kung hindi matutugunan ang installment payment o liliban sa pagbabayad, makakansela ang installment arrangement at kakailanganin ng customer na bayaran ang kabuuang balanse nito.

Kapag bumalik na ang disconnection activities at hindi pa rin nabayaran ang balanse, maaaring maputulan ng serbisyo ang customer.