Isasagawa ang sabayang Cardiopulmonary Resuscitation o ZapPinas '26 Maging CPR-Ready Barangay Na! sa buong bansa ngayong araw na ito, Hulyo 17, 2026, sa pangunguna ng Philippine Heart Association.
Ang pinaka-sentro ng aktibidad ay sa Rizal Covered Court sa Barangay Rizal, Taguig, kung saan inaasahang sabayang magpapakita ng kanilang kaalaman sa CPR at paggamit ng automated external defibrillator ang mga doktor, barangay tanod, at iba pang mga mamamayan ngayong umaga.
Ito ay kaalinsabay ng selebrasyon ng ika-sampung taon mula nang pumasa bilang batas ang CPR Law o Republic Act 10871, isang batas na nagtatakda sa bawat pampublikp at pribadong eskwelahan sa buong bansa na turuan ang mga K-10 na estudyante ng hands-on CPR.
Gayunman, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naiimplementa ng Department of Education.
"Hands-Only Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) and Automated External Defibrillator (AED) Awareness should start in the country's smallest administrative division. Public places and spaces should be AED-equipped," ang pahayag ng Philippine Heart Association.
Sa programang isasagawa sa Barangay Rizal Covered Court ngayong umaga, dadalo sina Taguig City Mayor Lani Cayetano, Congressman Joseller "Yeng" Guiao na pangunahing may-akda ng CPR Bill sa Kongreso, Dr. Bernadett Velasco na direktor ng Health Emergency Management Bureau ng Department of Health at Kapitan Allan Cruz ng Barangay Rizal.
Sabayang CPR Demonstration, Isasagawa sa Buong Bansa; Sentro ang Barangay Rizal | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
