Sabay-sabay na mag-iilaw ng mga kandila sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City sa Oktubre 31, 2023 ng alas 4:00 ng hapon bilang pagbibigay-pugay sa lahat ng mga bayaning nakalibing doon.
Ayon sa Philippine Army, sinimulan nang buksan ang Libingan ng mga Bayani para sa mga dadalaw na kamag-anakan at kaibigan noong Oktubre 27.
Bukas ang Libingan ng nga Bayani mula Oktubre 27 hanggang Oktubre 30 ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas sais ng gabi.
Sa Oktubre 31, ito ay bukas by alas 6:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.
Sa Nobyembre 1 hanggang 2, bukas ito ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 8:00 ng gabi.
Pagdating ng Nobyembre 3 at 4, ito ay bukas ng alas 6:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng gabi.
Ipinaalala ng Army na bawal ang mga drones, alagang hayop, pagsusugal, eskandalosong tunog, nakakalason at puwedeng mag-apoy na bagay, alak, at maging ang pagkuha ng mga bulaklak at halaman sa paligid.
Ang Libingan ng mga Bayani ay kinalilibingan ng mga dating Pangulo ng bansa, mga dating sundalong lumaban sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mga Medal of Valor awardees, Kalihim ng Pambansang Depensa, Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mga tauhan ng AFP, dignitaries, statesmen, National Artists at mga siyentista ng Pilipinas.
(File photos of Taguig.com)
Schedule ng Operasyon ng Libingan ng mga Bayani, Inilabas ng Philippine Army | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: