Sumuko sa PNP-CIDG si Senador Jinggoy Estrada makaraang ilabas ng Sandiganbayan ang arrest warrant sa kasong plunder laban sa kanya at sa apat na iba pang opisyal ng DPWH na may kinalaman sa maanomalyang flood control projects.
Ito ay dahil sa ibinunyag na nakakuha diumano ng mga kickbacks o nag-insert sa budget si Estrada.
Sinabi ni Estrada sa isang pahayag na binasa sa Senado ng Pilipinas na hindi siya papatakot, hindi siya magtatago at hindi rin nya kukunin ang kanyang sweldo sa Senado habang nililinis niya ang kanyang pangalan.
Sinamahan si Estrada ni Senate President Alan Peter Cayetano nang magtungo ito sa Kampo Krame.
Senador Jinggoy Estrada, Sumuko sa PNP-CIDG | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
