"Is the constitution just a piece of paper to this administration? Ang tingin ba ng 12 Senador, na basta kakampi mo ang Malakanyang, wala nang batas?"

Ipinaliwanag ni Senate President Alan Peter Cayetano ang mga pangyayari kanina na aniya ay hindi tama dahil hindi umabot ng mayorya o 13 ang kanilang bilang.

"Is the constitution just a piece of paper to this administration? Ang tingin ba ng 12 Senador, na basta kakampi mo ang Malakanyang, wala nang batas?"

Iginiit ni Cayetano na nananatili siyang Pangulo ng Senado ng Pilipinas.

Kaninang hapon, Hunyo 3, 2026, ay inihalal ng "bagong mayorya" si Senador Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore.

Pinalitan din ang mga committee heads at ang Senate Secretary at Senate Sgt. at Arms.

Idineklara rin ni Gatchalian na sine die o adjourned na ang sesyon ng Senado.