Lalo pang lumakas ang bagyong Nando habang ito ay tumatawid sa Pilipinas. Ang pinakahuling lokasyon nito kagabi ng alas 10:00, Setyembre 21, ay nasa 350 kilometro silangan ng Hilagang-Silangan ng Aparri, Cagayan.
Dala nito ang lakas ng hanging 205 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 250 kilometro kada oras.
Kumikilos ito patungong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Ang hangin ng Super Typhoon Nando ay nakakasakop sa may 600 kilometro mula sa gitna.
Nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 3 sa:
Batanes, Babuyan Islands, hilaga at gitnang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Alcala, Santo Niño, Lasam, Allacapan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes, Rizal) , hilaga at gitnang Apayao (Flora, Santa Marcela, Pudtol, Luna, Calanasan, Kabugao) hilagang bahagi ng Ilocos Norte (Carasi, Piddig, Vintar, Bacarra, Pasuquin, Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams).
Signal Number 2 naman sa:
Nalalabing bahagi ng Cagayan, hilaga at gitnang bahagi ng Isabela (San Mariano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quezon, Quirino, Mallig, Gamu, Burgos, Dinapigue, Roxas, San Manuel, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Naguilian, Benito Soliven, City of Cauayan, Alicia, Angadanan, San Guillermo), nalalabing bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, silangan at gitnang bahagi ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga, Bontoc, Besao, Sagada), silangang bahagi ng Ifugao (Alfonso Lista, Aguinaldo), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, hilagang bahagi ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Narvacan, Santa Maria, San Emilio, Burgos, Santiago, San Esteban, Lidlidda, Banayoyo, Quirino)
Signal number 1 naman sa:
Nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Mountain Province, nalalabing bahagi ng Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, at sa hilagang Quezon (General Nakar) kasama ang Polillo Islands.
Malakas na pag-ulan ang mararanasan ng mga sumusunod dahil sa bagyong Nando at Habagat ngayong Setyembre 22, 2025:
• Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, at Davao Region.
• Martes, Setyembre 23: Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, at Dinagat Islands.
Maaaring mag-landfall ngayong umaga o sa hapon ang bagyong Nando sa Babuyan Islands.
Maaaro namang lumabas ito sa Philippine Area of Responsibility sa Martes ng umaga.
(Mga larawan ng PAGASA)
Super Typhoon Nando: Signal Number 3, Nakataas na sa Limang Lalawigan; Posibleng Mag-Landfall sa Babuyan Islands Ngayong Umaga o Hapon | Taguig Balita
Language: Switch to English
