Posibleng tumaas na naman ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwang ito dahil sa pagtaas ng generation charge.

News Image #1


Ito ay bunga naman ng pagkakalagay sa red at yellow alerts ng Luzon grid habang kasagsagan ang init ng panahon at may mga plantang biglang nag-offline o tumatakbo subalit bawas ang kapasidad.

Dahil sa manipis na suplay ng kuryente, tumaas ang presyo sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM), ayon sa Meralco.

"We continue to remind the public to practice energy efficiency to have better management over their power consumption and electricity bills," ayon sa pahayag ng Meralco.

Ayon naman sa Energy Regulatory Board, batay sa data ng WESM, ang average prices sa bawat araw ng kuryente ay tumaas ng labingisang porsiyento sa Luzon at limampu't tatlong porsiyento sa Visayas dahil sa kasagsagan ng init.