Nagbahagi ng Solid Waste Management (SWM) Tools at Equipment ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga Barangay sa Taguig kamakailan.
Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na malaking tulong ito para sa paglilinis, paghahanda sa baha, maayos na pagtapon ng mga basura at kabuuang pangangalaga sa kapaligiran.
"Kaisa tayo ng MMDA sa epektibong solid waste management sa Metro Manila. Hindi lamang sa panahon ng tag-ulan, patuloy ang ating Flood Management Office (FMO), BESTaguig, at CENRO sa paglilinis ng kapaligiran at mga drainage system upang masiguro ang kaligtasan at kalinisan ng ating mga komunidad," ang pahayag ni Cayetano.
Nagpasalamat ang alkalde sa MMDA sa pangunguna ni Atty. Romando Artes, dahil sa patuloy na suporta at pagbibigay ng mga kagamitang makakatulong sa paghadlang ng baha at maayos na pagtatapon ng basura.
(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)
Solid Waste Management Tools at Equipment, Ibinigay ng MMDA Para sa mga Barangay ng Taguig | Taguig Balita
Language: Switch to English
