Handa na ang 329 na mga sundalo ng Philippine Army (PA) na bahagi ng naka-standby na puwersa sa headquarters nito sa Fort Bonifacio, Taguig City, na makakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa eleksyon sa Mayo 12, 2025.

News Image #1


Ang contingency force ng PA ay kinabibilangan ng Civil Disturbance Management (CDM), K-9, Explosive Ordinance Disposal (EOD), Medical, Chemical, Biological, Radiological and Nuclear (CBRN) na mga teamns.

May nakahanda na ring 31 military assests na kinabibilangan ng trak ng militar at ambulansya ang nakaabang sakaling may emergency. Ang lahat din ng Philippine Army Emergency response Companies (ERCs) ay naka Blue Alert Status simula Mayo 11 hanggang 14, 2025.

News Image #2


Umaabot naman sa 23,591 na mga tauhan ng PA ang ipinalabas upang magbantay sa halalan samantalang may 21,509 na mga tauhan naman nito ang naka-stand by alert na simula pa noong Mayo 9, 2025.

"Army units are also operationg under dual modes: Election Mode and Combat Mode to ensure the continuity of both electoral duties and ongoing internal security operations," ang pahayag ng PA.

Sinabi ni Army Chief Lt. Gen. Roy Galido na nakatitiyak ang mga mamamayan na pananatilihin nila ang stabilidad sa bansa "by continuing our operations against threat groups while also assisting with the transport of poll materials and ensuring the safety of election personnel."

(Mga larawan ni Joshua Ellis Pedregosa ng OACPA)