Lalong tumitindi ang panganib para sa Babuyan Islands at katabing mga isla bunga ng mas lumalakas na Super Typhoon Nando.
Posibleng mag-landfall na ngayong hapon ang Super Typhoon Nando sa Calayan Islands, Cagayan.
Ang sentro ng mata ng bagyo kaninang ala 1:00 ng hapon, Setyembre 22, 2025, ay nasa baybaying dagat ng Babuyan Islands, Calayan, Cagayan.
Ang lakas ng hangin nito ay nasa 215 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong 295 km/h.
Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Ang napakalakas na hangin nito ay sumasakop sa may 650 kilometrong diameter radius.
Sa ngayon ay nakataas pa rin ang Signal Number 5 sa Babuyan Islands.
Signal number 4 sa: katimugang Batanes (Basco, Mahatao, Ivana, Uyugan, Sabtang), hilagang Cagayan (Santa Ana, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Gonzaga, Camalaniugan), hilagang Ilocos Norte (Pagudpud, Burgos, Bangui, Dumalneg, Adams).
Signal Number 3 sa: nalalabing bahagi ng Batanes, gitnang Cagayan (Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Alcala, Santo Niño, Lasam, Allacapan, Rizal, Amulung, Piat), hilaga at gitnang Apayao (Flora, Santa Marcela, Pudtol, Luna, Calanasan, Kabugao), at ang nalalbing bahagi ng Ilocos Norte.
Ang signal number 2 naman ay nakataas sa: nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela, nalalabing bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, hilagang Benguet (Mankayan, Buguias, Bakun, Kibungan), hilaga silangang Nueva Vizcaya (Diadi) , Ilocos Sur, at hilagang La Union (Sudipen, Bangar, Luna, Balaoan, Santol).
Signal number 1 naman sa: Quirino, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, hilagag bahagi ng Quezon (General Nakar) kasama ang Polillo Islands.
May panganib ng storm surge na hanggang 3 metro sa loob ng susunod na 24 na oras sa mga mababang lugar tulad ng Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Storm Surge na Hanggang Tatlong Metro, Ibinabala sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte at Ilocos Sur; Posibleng Mag-Landfall ang Super Typhoon Nando sa Calayan, Cagayan | Taguig Balita
Language: Switch to English
