Patuloy na mino-monitor ng DOST-PAGASA ang bagyong Bavi (Inday kapag pumasok sa Pilipinas) na ngayon ay nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

News Image #1

(Larawan ng PAGASA)

Kaninang alas 8:00 ng gabi, Hulyo 5, 2026, ang bagyo na kinategoryang "violent" ng Japan Meteorological Agency, ay nasa 2,465 kilometro silangan ng Katimugang Luzon.

Ang hangin nito ay may bilis na 205 kilometro kada oras at may pagbugsong umaabot sa 250 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Ayon sa mga international meteorologists, posibleng pumasok ito sa PAR sa Martes ng gabi (Hulyo 7) o sa Miyerkules ng umaga (Hulyo 8) bilang super typhoon.

Palalakasin pa ang ulan ng southwest monsoon.