Ang super typhoon na si Francisco (international name: Mekkhala) ay nagpapaulan na sa hilagang bahagi ng Luzon.
Mas lalong lalakas ito sa susunod na 12 oras.
(Larawan ng DOST PAGASA)
Sa pinakahuling taya ng panahon ng DOST-PAGASA kagabi ng alas 11:00, Hunyo 22, 2026, ang mata ng bagyo ay nasa layong 440 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 450 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.
Ang lakas ng hangin nito ay 185 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 230 km/h.
Signal number 1 na sa Batanes, hilaga-silangang Cagayan (Gonzaga, Santa Ana), at silangang Babuyan Islands (Babuyan Is., Didicas Is., Camiguin Is.,)
Malakas ang pagulan hindi lamang dahil sa bagyo kung hindi dahil din sa southwest monsoon.
Lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang supee typhoon Francisco sa Biyernes, Hunyo 26.
Super Typhoon Francisco, Aabot sa Rurok ng Lakas Nito sa Loob ng 12 Oras | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
