Inaasahang babagsak sa kalupaan ng Babuyan Islands ngayong tanghali o hapon ang super bagyong Nando.

Nakataas na ang Signal Number 5 sa hilaga at gitnang bahagi ng Babuyan Islands (Babuyan Isl., Didicas Isl., Panuitan Isl., Calayan Isl., Dalupri Isl., Irao Isl., Camiguin Isl., Pamuktan Isl.)

News Image #1


Ang sentro ng mata ng Super Typhoon NANDO ay nasa 180 kilometro (km) silangan ng Calayan, Cagayan

Ang dala nitong hangin ay nasa 215 km/h malapit sa gitna, na may pagbugsong 265 km/h.

Ang galaw nito ay patungong kanluran sa bilis na 20 km/h.

Nakataas na rin ang Signal Number 4 sa
Timog silangang bahagi ng Batanes (Basco, Mahatao, Ivana, Uyugan, Sabtang), nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, hilaga silangan at hilaga kanlurang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira), pinakatuktok ng Ilocos Norte (Pagudpud).

Signal number 3 naman sa:
Nalalabing bahagi ng Batanes, hilaga at gitnang Cagayan (Gonzaga, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Alcala, Santo Niño, Lasam, Allacapan, Camalaniugan, Buguey, Santa Teresita, Aparri, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Rizal, Amulung, Piat), hilaga at gitnang Apayao (Flora, Santa Marcela, Pudtol, Luna, Calanasan, Kabugao), hilaga at gitnang Ilocos Norte (Carasi, Piddig, Vintar, Bacarra, Pasuquin, Burgos, Bangui, Dumalneg, Adams, Nueva Era, Solsona, Dingras, Sarrat, Laoag City, San Nicolas, Currimao, Paoay, City of Batac, Marcos, Banna).

Signal number 2 sa: nalalabing bahagi ng Cagayan, Isabela, nalalabing bahagi ng Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, hilagang Benguet (Mankayan, Buguias, Bakun, Kibungan), hilaga silangang Nueva Vizcaya (Diadi), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, at ang hilaga silangang La Union (Sudipen, Bangar, Luna, Balaoan, Santol).
Signal number 1 sa:
Quirino, nalalabing bahagi ng Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Benguet, nalalabing bahagi ng La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, hilagang Quezon (General Nakar) kasama ang Polillo Islands.

Malakas ang ulan sa mga sumusunod na lugar dahil sa pinagsamang lakas ng Super Typhoon Nando at Habagat:

• (22 September): Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Caraga, Zamboanga Peninsula, BARMM, SOCCSKSARGEN, at Davao Region.
• (23 September): Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Visayas, Zamboanga Peninsula, at Dinagat Islands.
• (24 September): Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, at Panay Island.